Dalawang pulis na kinabibilangan ng isang babae at isang lalaki ang patay sa naging madugong drug entrapment operations sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte kahapon ng umaga.
Sa naging ulat sa mga mamamahayag kahapon ni PBGen. Romeo Macapaz, Regional Director ng PRO-BAR, kinilala nito ang mga nagbuwis buhay na sina Cpl. Kirt Sipin at Patrolwoman Roselyn Bulias.
Si Sipin at Bulias ay kasama sa grupo na nagkubling mga adik sa droga at bibili sana ng isang kilong shabu sa apat na mga dealers sa isang operasyon sa tabi ng highway ng Crossing Simuay Area sa bayan, nang mapaghalataang sila ay kasapi ng PNP, dito na sila pinaputukan ng mga suppliers ng shabu na ikinasawi ng dalawa.
Nag-iwan din ng dalawang sugatan sa katauhan ng mga Patrolman na sina Jonel Ramos at Eddie Sugarol ang naturang engkwentro.
Samantala, dalawa sa apat na dealers na sina Suhod Kasim at Ting Katulangan ang nahuli at ngayon ay nasa kustodiya na ng PRO BAR habang dalawa naman ang kasalukuyang tinutugis.