Kinondena ni PDEG SOU BAR Former Commander at Former Cotabato City Police Director PCol. Joel Estaris ang pagkakapatay sa dalawang miyembro ng kapulisan sa isang drug buy-bust operation sa bahagi ng Crossing Simuay, Sultan Kudarat sa Maguindanao Norte.

Ayon kay Col. Estaris, maituturing na isang eye-opener sa pamahalaan ang nangyari kung saan, mariing patotoo na ang mga nanlaban sa operatiba ay ang mga suspetsado.

Sa operasyon nitong weekend, nasawi ang isang lalaki at babaeng pulis habang dalawa naman sa hanay ng operatiba ang sugatan.