Lumuwas papuntang Comelec Head Office sa lungsod ng Maynila ang grupo ng Bangsamoro Electoral Office upang isumite sa naturang tanggapan ang mga inihaing COC’s o Certificate of Candidacies ng mga kakandidato sa BARMM Parliamentary Elections sa 2025.
Inihain ng mga kandidato sa ibat ibang tanggapan ng komisyon sa rehiyon noong Nobyembre 4-9 ang mga nasabing dokumento. Mismong si Comelec BARMM Regional Director Atty. Ray Sumalipao at ang grupo nito ang naghatid ng mga papeles sa Law Department and Election Records and Statistics Department ng nasabing komisyon.
Inaasahan na din na mailalagay sa website ng komisyon na www.comelec.gov.ph ang mga nasabing naisumite na COC’s.