Ikinalungkot ni BTA Member of Parliament Michael Midtimbang ang mga naitalang karahasan sa mga nakalipas na araw o nito lamang nakaraang linggo sa Maguindanao.
Ani Midtimbang, bilang dating namumuno sa MP Meruit ng probinsya, kailangan umano aniyang magkaroon ng kapayapaam at pairalin ang pagmamahal sa bawat isa at kung mayron mang iringan ay idaan na lamang sa paguusap at wag idaan sa dahas.
Apela din naman nito sa mga security forces, kailangan aniyang palakasin ng mga ito ang pagbabantay sa kanilang mga zona o AOR upang di na maulit pa ang mga naitatalang krimen kung saan nahahantong sa pagkakabiktima sa mga inosenteng sibilyan.