Sa layuning mapaigting pa ng mahusay ang seguridad at kapayapaan sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, nagdagdag ang LGU nito ng mga patrol assets upang maging visible ang kapulisan sa bawat sulok ng munisipalidad.

Isang unit ng patrol car at tatlong police motorcycles ang idinagdag ng LGU sa assets ng Datu Odin Sinsuat MPS na magagamit upang makapagpatrolya ang kapulisan.

Ang pondo na ipinambili dito ay bahagi ng peace and order fund ng LGU at pagpapakita ng taos puso nitong suporta sa mga gawain ng PNP sa nasabing bayan.