Patay ang mag-asawa na kinilalang sina Rafael at Cresencia Mirandilla ng tambangan ito sa Barangay San Miguel, Sto. Tomas Davao del Norte nito lamang lunes ng gabi.

Sakay ng motorsiklo ang mag-asawang Mirandilla ng tambangan ito ng mga armado sa barangay.

Mabilis namang nakapuslit ang mga armado ayon sa mga nakasaksi.

Ang mag-asawa ay residente sa Barangay Kinamayan na di kalayuan sa lugar ng pananambang.

Inaalam pa sa ngayon ng Sto. Tomas PNP ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa pagpatay sa magasawa at kung ano ang motibo nito.

Nakaburol na sa ngayon ang dalawang magasawa sa isang punerarya sa nasabing bayan.