Patay ang isang lalaki na kinilalang si alyas Milo na taga Barangay Macabenban, Carmen North Cotabato matapos na barilin ito sa Purok 3B, Malapag ng nasabi ring bayan kahapon habang nanananghalian. +

Ayon sa Carmen MPS, kumakain ng kanyang pananghalian ang naturang biktima ng tambangan ito. Kinilala ang suspek sa alyas na Senok na bumaril sa biktima ng ilang beses habang nakatalikod ito.

Agad na namatay si alyas Milo sa mga tinamo nito na gunshot wounds sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan. Tumakas naman ang suspek matapos nitong maisagawa ang krimen.

Nakakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ng basyo ng kalibre 45 pistola na siyang ginamit sa pagpatay. Patuloy ang imbestigasyon maging hot pursuit laban sa suspek ng mga kapulisan.