Nais kausapin ngayon ni Cotabato City Mayor Mohammad Ali Bruce Matabalao ang mga kabataang rider na laman ng content ng isang moro vlogger sa kahabaan ng Sinsuat Avenue, partikular sa harap ng isang unibersidad dito sa lungsod na tila nagmotow show tampok ang kanilang motorsiklo.
Napukaw ng mga motoristang kabataan ang atensyon ng alkalde ng lungsod dahil sa ilang paglabag sa batas trapiko kabilang na dito ang mufflers o ang mga maingay na tambutso, modified motorcycles, at tambutsong bumubuga pa ng apoy.
Ayon sa facebook post ng alkalde, nais nitong makausap ang mga kabataang motorista dahil ani nito ito ay para din sa kanilang mabuting kapakanan.