Mariing kinondena ni Cotabato City Vice Mayor Johari Abu ang pananakot na ibinabato sa kanya at sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod mula pa noong 2022 hanggang sa kasalukuyan.
Maging ang pamilya ng mga ito ay kanila ring tinatakot online.
Sa una nitong post, sinabi ni Abu na kung may maganap man sa kanya o sa kanyang mga konsehal, isang Sammy Supian ang dapat sisihin dito.
Humingi na rin ng tulong sa NBI Cybercrime at PRO BAR ang bise alkalde upang mawakasan na ang nangyayaring pananakot sa kanila sa SP.