Pumanaw na ang dating gobernador ng Lanao del Sur na si Hadja Bedjoria Soraya Alonto Adiong.

Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Lanao del Sur ang pagpanaw ng naturang dating lady governor ng Lanao del Sur.

Walang naipabatid na dahilan ng kamatayan ang nasabing FB post ng PLGU.

Hanggang sa ngayon, wala pa ring impormasyon para sa publiko ang pamilya Adiong.

Unang nagbigay na rin ng taus-pusong pakikiramay ang Bangsamoro Government sa pamilya ni Adiong sa pamamagitan ng isang signed letter ni Chief Minister Interim Alhaj Murad Ebrahim.