Patay ng pagbabarilin ang isang lalaking nakamotorsiklo sa Barangay Gaunan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur kahapon ng umaga, lunes.

Kinilala ni Rajah Buayan COP Capt. Joel Lebrilla ang biktima ba si Jay-ar Palabrica, 25-anyos, may kabiyak at residente sa lungsod ng Koronadal.

Ayon sa report, minamaneho ni Palabrica ang kanyang CT110 na motor na for registration ang plaka sa Gaunan ng sundan ito ng riding in tandem at tinambangan.

Narekubre naman sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng di pa tukoy na kalibre ng armas. Patuloy naman sa imbestigasyon ang kapulisan sa nasabing kaso ng pagpatay.