Tuluyan ng pumanaw sa ospital ang isang tanyag na basketbolista na dumayo pa sa bayan ng M’lang Cotabato para maglaro ngunit binaril ito habang lulan ng sasakyan nito dakong alas siete ng gabi kagabi sa national highway ng Pulang lupa sa nabanggit na bayan.
Kinilala ang biktima na si Ken Fred Samco Segura Alyas Kentoy, 26-anyos at taga Digos City, Davao del Sur.
Tanyag si alyas Kentoy sa larangan ng pagiging basketbolista dahil naging Varsity Player ito ng Arellano University sa NCAA at naging manlalaro ito ng Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL ng dating Senador at Boxing Icon na si Manny Pacquiao.
Kasama nito sa sasakyan ang kanyang pamangkin na himalang hindi nasaktan sa pamamaril.
Tinamaan sa tagiliran ang biktima at isinugod sa ospital upang maoperahan. Ilang oras matapos sumailalim nito sa operasyon ay binawian ito ng buhay.
Sa deskripsyon, nakaputing kotse ang mga suspek.
Agad na nagsagawa ng checkpoint ang kapulisan sa lugar at hinarang ang naturang kotse para rekisahin ngunit bigla itong tumakas kaya sila kinunsidera bilang mga suspetsado at hinabol.
Iniwan ng mga sakay ang naturang kotse sa Barangay Sangat ngunit nahuli naman ang babae na girlfriend ng nagmaneho ng Mirage na pinaghihinalaang ginamit sa pamamaril.
Itinanggi naman ng nahuli na sila ang suspek at napadaan lamang sila sa Buluan at papuntang Kabacan at umiwas sa checkpoint.
Patuloy naman na hinahabol sa naturang hot pursuit ng kapulisan ang isang salarin.