Patay ang kinilalang si Samer Dimapalao matapos itong mabiktima ng pamamaril sa Bagundang, General SK Pendatun, sa Maguindanao del Sur nitong lunes.
Ayon sa inisyal na ulat ng otoridad, agad na nakatakas ang suspek sa pamamaril.
Ito na ang ika-sampung insidente ng pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao del Sur mula ng ipatupad ng COMELEC nitong January 12, 2025 ang Gun Ban sa buong bansa dahil sa napipintong halalan.
Sa ngayon, inaalam na ng kapulisan ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek hinggil sa pamamaslang.