Umaarangkada na ang konstruksyon sa itatayong multi-purpose building na inaasahang magagamit ng mga guro at magaaral ng Dalican Pilot Elementary School sa Barangay Poblacion, Dalican sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte na galing sa pondo ni Incumbent Senator Sherwin “Win” Gatchalian.
Naisakatuparan ito sa pamamagitan rin ng inisiyatiba at paghiling ng LGU-DOS sa tanggapan ng nasabing senador.
Ayon kay DOS Mayor Lester Sinsuat, bibilang lamang ng apat hanggang limang buwan ngayong taon at ito ay magiging ready for occupancy na.
Hindi lang daw ito basta multi-purpose building sapagkat ito ay magkakaroon din ng covered court na may aircon rooms para sa mga magaaral at guro ng nasabing paaralan.