Arestado ang Brgy. Kapitan ng Tamontaka 4, Cotabato City matapos ito makumpiskahan ng mga armas sa gitna ng ipinapatupad na Gun Ban.
Sa pinagsanib na pwersa ng Philippine Marines at Cotabato City PNP sa isinagawang checkpoint sa De Mazenod Street, RH 3, Cotabato City matagumpay na nakumpsika ang tig-iisang unit ng mga pistola ng Calibre .45, Calibre .40 at STK 100 Calibre 45 sa kinilalang Kapitan na si Thong Gayak umaga nitong Sabado.
Mahigpit namang ipinaalala ng mga otoridad ang pagtalima sa Gun Ban mapa-ordinaryo o maimpluwensyang indibidwal upang mas mapayapa ang halalan sa Mayo 12, 2025.