Patay on the spot ang isang 27 anyos na driver ng payong-payong habang sugatan ang dalawang iba pa matapos na masangkot ito sa karambola ng mga sasakyan kahapon sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Kinilala ang nasawi na si Joharto Salilama Sampigat.

Sugatan naman sina Guiandal Kanakan at Alvin Marohom.

Parehas na residente ng Cotabato City ang tatlo. Sa pagsisiyasat ng DOS PNP, sangkot sa aksidente ang payong payong, isang multicab at isang D4D van.

Nagpapatuloy naman sa imbestigasyon ang kapulisan habang nagpapagaling naman ang mga sugatan sa bahay pagamutan.