Todas matapos na manlaban sa kapulisan na nagorganisa ng hot pursuit laban sa kaniya ang isang suspek sa pamamaril patay sa bayan ng Matalam, Cotabato.
Kinilala ang hindi nagpahuli ng buhay na suspek na si Aladon Abpa na residente din sa lugar.
Sa ulat ng pulisya, umakto lamang sila sa ulat ng pamamaril patay ng suspek sa bayan kung kaya ay nagkasa agad ang mga ito ng hot pursuit operations.
Nang malapit nang malambat ng kapulisan ang suspek, nanlaban ito sanhi upang gumanti ang kapulisan.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit nasawi agad ito.
Narekubre naman sa suspek ng autoridad ang kalibre 45 pistola, dalawamg basyo ng bala at tatlong buhay na bala ng 9MM.