Isinagawa ngayong araw ang opisyal na paglulunsad ng Office of the Bangsamoro Mujahideen Under Special Circumstance (OBMUSC) sa isang seremonya na dinaluhan ng mga opisyal ng Bangsamoro Government, mga kinatawan ng dating mujahideen, at iba pang mga stakeholders.
Layunin ng OBMUSC na suportahan ang mga dating mujahideen na person with disabilities o PWD at mga veterans, kabilang ang pagbibigay ng tulong sa kanilang pangkabuhayan, edukasyon, at iba pang pangangailangan upang masiguro ang kanilang maayos na integrasyon sa lipunan.
Bahagi ito ng patuloy na hakbang ng Bangsamoro Government upang mapanatili ang kapayapaan at mabigyan ng pagkakataon ang mga dating mandirigma na magkaroon ng mas matatag na kinabukasan.
Patuloy na inaasahan ang suporta ng iba’t ibang sektor upang matiyak ang tagumpay ng programang ito para sa kapakanan ng mga dating mujahideen at ng buong Bangsamoro community.