Inaasahang tataas ang election-related incidents sa Mindanao pagsapit ng campaign period sa Marso 28, 2025, ayon sa COMELEC.
Ayon kay Chairman George Garcia, maaaring lumala ang tensyon sa pagitan ng mga kandidato at kanilang tagasuporta, lalo na sa mga lugar na nasa red category gaya ng Maguindanao at Cotabato City.
Aniya, kadalasang target ng karahasan ay mga kasalukuyang opisyal o kandidato.
Tiniyak naman ng COMELEC ang patuloy na monitoring upang mapanatili ang kaayusan bago at habang isinasagawa ang halalan.