Kusang loob na sumuko sa pamahalaan ang limang kasapi ng lokal na teroristang grupo at isinuko rin ang kanilang mga armas sa 90th Infantry Battalion Headquarters sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Martes.

Pinangunahan ang ceremonial presentation ng mga dating rebelde nina 601st Brigade Commander BGEN Edgar Catu, Datu Hoffer Mayor Bai Bongbong Ampatuan, at Maguindanao del Sur Vice Governor Nathaniel Midtimbang.

Kabilang sa mga sumuko sina Abu Karip alyas Kupaw, Nurj Datugan, Nurh Abukalis, at Badong Kadatuan na pawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Isinuko rin nila ang ilang armas kabilang ang isang Garand rifle, M14 rifle, 9mm Uzi pistol, at isang M16 rifle.

Bilang bahagi ng reintegration program, tumanggap sila ng tulong pinansyal, mga binhing palay, at motorsiklo mula sa lokal na pamahalaan upang makatulong sa kanilang muling pagbangon at pamumuhay nang normal.