Nanumpa na sa katungkulan bilang bagong gobernador ng Maguindanao del Norte si Datu Sharifudin Tocao Mastura, CPA. Pinalitan niya si Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, na kamakailan ay nanumpa bilang punong ministro ng rehiyon.
Si Mastura ang pinakabatang gobernador sa kasaysayan ng lalawigan at aktibong miyembro ng National Movement of Young Legislators (NMYL), kung saan siya rin ang presiding officer.
Nanumpa siya sa Palasyo ng Malacañang sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasama ang kanyang pamilya na pinangungunahan ni Maguindanao Norte Governatorial Aspirant Datu Tucao Mastura.
Samantala, ngayong araw, Marso 27, ay gaganapin ang opisyal na turnover of duties para sa bagong gobernador.