Supalpal ang inabot ng mga kritiko na kumikwestiyon sa halos (170,000) Isandaan Pitumpung Libo na kataong dumalo sa nakaraang United Bangsamoro Justice Party Assembly sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Norte

Sa naging panayam ng Star FM Cotabato kay UBJP Spokesperson Engr. Mohajirin Ali, normal lang na sa bawat pagtatagumpay ay may kumikiwestiyon.

Aniya, hindi nila pwede doktorin ang naging bilang sapagkat ito ay batay sa numero ng nagpatala sa registration sites sa lugar ng assembly.

Nasa nag-aakusa o nangingwestiyon na aniya ang pagpapatunay kung talaga nga bang mali ang halos 170,000 na bilang ng taong dumalo sa nasabing pagtitipon.

June 22, 2024, the UBJP Assembly held in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Matatandaan na kinwestiyon ng mga kritiko ng partido ang numero at nagsabing hindi ito totoo at pekeng numero ang inilalabas ng partido sa mga social media sites at mga assembliya nito upang magmukhang dinudumog ng tao ang mga assembly o pagtitipon ng partido.