Naghain na ng Motion for Reconsideration (MR) ang kampo ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa Commission on Elections (COMELEC) kasunod ng inilabas na resolusyon ng 2nd Division na pumabor kay dating Mayor Atty. Cynthia Guiani Sayadi bilang tunay na nanalo sa 2022 local elections.
Isinumite ang MR kahapon, Abril 25, sa pamamagitan ng legal counsel ng alkalde. Ayon sa ulat, iniakyat na ang mosyon sa COMELEC Second Division En Banc sa Maynila para sa mas mataas na pagtalakay.
Sa isang post, sinabi ni Mayor Matabalao na iginagalang niya ang proseso at iniiwan na niya sa COMELEC ang desisyon hinggil sa kanyang inihaing mosyon. Pinayapa rin niya ang kanyang mga tagasuporta at hinikayat ang mga ito na manatiling kalmado at magtiwala sa proseso ng batas.