Nasaksak at dead on arrival sa ospital ang isang 22-anyos na estudyante matapos umanong pagtulungan ng isang car wash boy, pasado alas-3 ng madaling araw ngayong Biyernes, Abril 25, sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Kenram.
Kinilala ang biktima na si KJ Almerante, residente ng Brgy. Impao, Isulan. Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad pauwi si Almerante kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima sa hindi pa matukoy na dahilan. Tinamaan siya sa kanang bahagi ng dibdib.
Isinugod agad sa Sultan Kudarat Provincial Hospital si Almerante ngunit idineklara itong patay pagdating ng mga doktor.
Patuloy na tinutugis ang tumakas na suspek habang inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.