Mabusising pag-aaralan ng COMELEC 2nd Division ang Motion for Reconsideration (MR) na inihain ng kampo ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao. Ito ay kaugnay sa naunang desisyon na nagdeklara kay dating Mayor Cynthia Guiani Sayadi bilang lehitimong nanalo sa mayoralty race noong 2022.
Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia, mananatiling alkalde si Matabalao habang hindi pa pinal ang desisyon. Nilinaw din niyang ang desisyon ay subject for MR at hindi pa ito agad magdudulot ng pagbabago sa pamahalaan ng Cotabato City.
Dagdag pa ni Garcia, walang dapat ipangamba ang mga taga-lungsod kaugnay sa resulta ng protesta.
Matatandaang agad na naghain ng MR ang kampo ni Matabalao kinabukasan matapos lumabas ang desisyon noong nakaraang linggo. Tinanggap ito ng COMELEC at inakyat sa En Banc para sa masusing pag-review.