Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kwarto ng isang Pension House sa Bonifacio Street, Poblacion 6, Cotabato City.
Kinilala ang biktima na si Al Jame Domino De Vera, 37 anyos, isang PWD mula Bagua 3.
Ayon sa Police Station 1, nag-check in si De Vera ng tatlong oras at nang hindi sumagot sa tawag at katok, sapilitang binuksan ng staff ang kwarto at nadiskubreng patay na ito.
Walang palatandaan ng foul play, at inisyal na pinaniniwalaang atake sa puso ang dahilan ng kanyang pagkamatay.