Agaw-eksena sa voting precinct sa Brgy. Demapaco, Libungan, Cotabato sina Maxxinne at Nicole—dalawang miyembro ng LGBTQ+—matapos rumampa sa halalan suot ang makukulay na gown at full glam makeup.

Bitbit ni Nicole ang suporta sa Give Heart Platform, habang si Maxxinne naman ay proud na kumatawan sa kabilang party-list.

Ang kanilang confidence at makisig na porma ay hindi lang bumida—nagpasaya rin sa buong lugar.

Pinuri ng mga botante ang katapangan ng dalawa sa pagiging totoo sa sarili at tapang na ipahayag ang kanilang paninindigan ngayong halalan.

Isa itong paalala na sa demokrasya, lahat may boses—bongga man o simple ang dating.