Dahil sa sobrang lakas na ulan kagabi bunsod sa Habagat, tulong tulong at malabayanihan na nagkaisa ang mga taga Ilangan, Barangay Rosary Heights 10 na linisin ang imburnal na nagdadala sa kanilang lugar ng matinding baha.

Sa panayam ng Star FM Cotabato kay Lupon Mohammad Saudi Guialil, tulong tulong nilang hinila ang mga kalat sa imburnal upang mawala ang mga nakabara dito.

30-40 na kabahayan ang nilubog ng tubig dahil sa baradong imburnal.

Dahil dito, nagtulong tulong ang mga kalalakihan ng barangay upang linisin ang mga kalat na nakabara dito.