Lubos ang kasiyahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang ideklarang panalo bilang alkalde ng Davao City sa katatapos na halalan.
Ayon sa kaniyang bunsong kapatid na si Bong Duterte, personal nitong ibinahagi ang balita sa dating Pangulo sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Ani Bong, labis ang tuwa ng kanilang kuya lalo na’t may malaking kalamangan ito sa kaniyang naging katunggali.
Mas ikinagalak pa ni dating Pangulong Duterte ang tagumpay ng kaniyang mga anak sa Davao City — si Sebastian “Baste” Duterte bilang bise alkalde, habang muling nahalal bilang kinatawan ng unang distrito ng lungsod ang panganay nitong si Paolo “Pulong” Duterte.
Wagi rin sa halalan ang dalawa sa kaniyang mga apo.