Nagmistulang eksena sa pelikulang Final Destination ang trahedyang kinasangkutan ng isang motorcycle rider matapos siyang masagasaan at magulungan ng isang dambuhalang dump truck sa Rizal Avenue, Kabacan, North Cotabato kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Bumboro Sultan y Talusan, residente ng Barangay Pagagawan sa nasabing bayan. Ayon sa mga nakasaksi, tumilapon ang katawan ng biktima at tuluyang nadaanan ng truck, dahilan upang magkaroon ito ng matinding pinsala sa buong katawan.

Agad rumesponde ang mga awtoridad sa lugar. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck habang patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan ng malagim na aksidente.