Malungkot na trahedya ang naganap kaninang umaga, Hunyo 4, 2025, sa kahabaan ng General Santos–Davao Road sa Barangay Molave, Talus, Malungon, Sarangani Province, matapos masawi ang tatlong miyembro ng isang pamilya sa banggaan ng kanilang sasakyan at isang truck.
Ayon sa paunang ulat, sakay ng isang Mitsubishi Mirage na may plakang LAM 1128 ang mag-asawa at kanilang anak nang bigla silang mabangga ng isang truck sa nasabing lugar. Dead on the spot ang tatlo dahil sa tindi ng impact ng salpukan.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang tunay na sanhi ng aksidente at kung may pananagutan ang kabilang panig.