Mistulang “homecoming” sa loob ng kulungan ang kinahantungan ng isang lalaking bagong laya matapos mahulihan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng Cotabato City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) nitong gabi ng Hulyo 5 sa Purok Sulaiman, Barangay Rosary Heights 3.
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Bobby,” 29 anyos, may asawa, at residente ng nasabing lugar. Nasamsam mula sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.08 gramo at may tinatayang halagang ₱544, kasama ang marked money na ginamit sa operasyon.
Kasalukuyang nakakulong si Bobby sa Custodial Facility ng Precinct 1 habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.