Dumalo si Cotabato City Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao sa High-Level Universal Health Care (UHC) Summit na ginanap sa World Health Organization (WHO) Western Pacific Regional Office sa United Nations Avenue, Maynila.
Layunin ng summit na pagsama-samahin ang mga local chief executives at health leaders mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang talakayin ang mga estratehiya sa pagpapalakas at mas epektibong pagpapatupad ng Universal Health Care Act sa mga lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, muling iginiit ni Mayor Matabalao ang pangako ng pamahalaang lungsod na palakasin ang mga programang pangkalusugan upang matiyak ang pagkakaroon ng accessible, de-kalidad at abot-kayang serbisyong medikal para sa mga Cotabateño.

















