Labing-isa ang pormal na nagbalik-loob mula sa BIFF-Bungos faction sa seremonyang isinagawa sa 90th Infantry Battalion sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Hulyo 9.
Tig-P5,000 ang natanggap ng bawat sumuko mula sa Ministry of Public Order and Safety (MPOS) sa ilalim ng reintegration program ng Peace Education Division.
Ayon sa MPOS, umabot na sa 71 ang kabuuang bilang ng mga sumuko ngayong taon, habang nasa 840 na ang naitalang returnees mula 2021.
Katuwang sa aktibidad ang mga LGU ng Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Shariff Aguak, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Ampatuan, at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.