Arestado ang isang 20-anyos na lalaki na umano’y sangkot sa ilegal na droga matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng Cotabato City Police kahapon, Huwebes, Hulyo 31, 2025, sa Purok Night Market, Mother Barangay Bagua, Cotabato City.

Kinilala ang suspek na si Mikhairon Balaiman Paraiso, alyas “Bandam,” isang payong-payong driver at residente rin ng nasabing lugar.

Sa isinagawang operasyon ng mga operatiba, nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang tatlong (3) heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.08 gramo. Bukod dito, nasamsam din ang isang improvised glass tube tooter at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Nasa kustodiya na ng Police Station 1 ng Cotabato City ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.