‎Arestado ang isang 16-anyos na dalagita sa ikinasang buy-bust operation ng PNP DEG-SOU15 at iba pang law enforcement units sa Poblacion 5, Cotabato City, pasado alas-6:30 ng gabi, Agosto 8, 2025.

‎‎Kinilala ang menor de edad na si alyas Mona residente ng Brgy. Poblacion 1, Cotabato City. Kasama niyang naaresto ang 38-anyos na babae na si alyas Bai, isa umanong newly identified high-value individual (HVI).‎‎

Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱3.4 milyon, boodle money, dalawang cellphone, pitaka, bag, at dalawang school ID.‎‎

Ayon sa pulisya, ang menor de edad ay isasailalim sa kustodiya ng City Social Welfare and Development (CSWD) habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dadalhin sa RFU-BAR para sa laboratory examination.‎‎

Patuloy ang kampanya ng otoridad kontra ilegal na droga sa lungsod at rehiyon.‎