Patuloy na nakakapagtala ang PHIVOLCS ng aftershocks mula sa malakas na lindol na yumanig sa Sarangani noong Hunyo 8, 2026, na may lakas na Magnitude 7.8.
Ayon sa pinakahuling ulat ngayong araw, umabot na sa 6,652 ang naitalang aftershocks, kung saan 1,575 ang na-plot at 80 ang naramdaman ng publiko.
Nasa pagitan ng Magnitude 1.2 hanggang 6.4 ang lakas ng mga aftershocks na patuloy na narerehistro.
Pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga residente sa Mindanao na manatiling alerto at sumunod sa mga safety protocols.
Ang naturang lindol ay isa sa pinakamalakas na naitala sa bansa ngayong taon, at inaasahang magpapatuloy pa hanggang sa mga susunod na buwan.

















