Ipinakilala na sa publiko ang bagong talagang Election Supervisor and Election Officers sa walong bagong tatag na Munisipyo ng Special Geographic Areas o SGA sa rehiyon.

Sila ang mangangasiwa sa mga aktibidad ng komisyon sa lugar tulad ng nagpapatuloy na pagtatala sa mga botante o ang Continuing Voters Registration, Filing ng mga Certificates of Candidacy sa Oktubre 1-8 at mga darating pang gawain sa komisyon na may kaugnayan sa paparating na halalan at BARMM Parliamentary Elections.

Itinalaga naman bilang Election Supervisor ng SGA BARMM at concurrent EO ng lungsod ng Cotabato si Atty. Norpaisa Manduyog habang ang mga ito na nasa ibaba ang naitalaga na Acting Municipal EOs na dating Election Assistants.

Kadayangan- AEO Sittie Nor Guro

Kapalawan- AEO Cabili Abo

Ligawasan- AEO Shariff Kusain

Malidegao- AEO Ibrahim Abu

Nabalawag- AEO Solaiman Mutia

Old Kaabakan- AEO Iritz Estremos

Pahamudin- AEO Jomera Abolais

Tugunan- AEO Mohammad Asraf Tawantawan