Patuloy na binabantayan ang Tropical Depression Henry. Batay sa ulat alas-3:00 ng madaling araw, namataan ang sentro nito sa layong 70 kilometro sa kanlurang timog-kanluran ng Abucay, Bataan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 55 km/h, habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.
Samantala, patuloy namang nakaaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa BARMM, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Habagat. Dahil dito, posible ang pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar bunsod ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag, mag-ingat, at patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather updates.

















