Bumisita kamakailan ang delegasyon ng Bangsamoro Board of Investments (BBOI), sa pangunguna ng Technical Division, sa Basilan People’s Complex upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa pamumuhunan sa probinsya.
Sa naturang pagbisita, nakipagpulong ang grupo kay Provincial Administrator Manny Muarip kung saan tinalakay ang pinakabagong update hinggil sa mga investment projects at mga potensyal na industriya na nagpapakita ng interes sa Basilan.
Layon ng BBOI na higit pang mapaunlad ang ekonomiya ng probinsya sa pamamagitan ng pag-akit ng mga negosyong makakatulong sa paglikha ng trabaho at pag-unlad ng kabuhayan sa rehiyon.