Dahil sa determinasyon at pagpupursiging makapag-ambag ng karangalan sa kasaysayan ng Bangsamoro Region, nasungkit ni Keiffer Lamban — kinatawan ng BARMM — ang gintong medalya sa Shotput Regular Elementary Boys Category sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2025 sa Vigan City, Ilocos Sur.
Bilang pagkilala sa kanyang tagumpay at gantimpala sa kanyang dedikasyon, matatanggap ni Keiffer ang ₱100,000 cash incentive mula sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education – BARMM (MBHTE-BARMM).
Ang ipinamalas na lakas, disiplina, at paninindigan ni Keiffer ay nagsisilbing inspirasyon sa kapwa kabataan—isang paalala na ang sipag at tiyaga ay susi upang maging kabahagi ng kasaysayan, hindi lamang sa paaralan o rehiyon, kundi sa buong bansa.