Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang Hunyo 1 hanggang 5 bilang opisyal na “Brigada Eskuwela” week sa buong bansa.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, sa nasabing mga petsa isasagawa ang malawakang paglilinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng mga silid-aralan bilang bahagi ng preparasyon para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Kasabay nito, nagpaalala ang kalihim na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng panginghingi ng donasyon mula sa mga magulang, volunteers, partners, at iba pang stakeholders.
Taon-taon isinasagawa ang Brigada Eskuwela kung saan boluntaryong nagkakaisa ang mga magulang, guro, kapulisan, sundalo, at iba pang sektor upang ayusin at linisin ang mga paaralan bago ang pasukan.

















