Nakatakdang makaranas ng power interruption ang Cotabato City at ilang bahagi ng Cotabato Province, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur at Special Geographic Areas (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Sabado, Oktubre 31, dahil sa mga aktibidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Batay sa abiso ng NGCP, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi ang nakatakdang power interruption sa buong coverage area ng COTELCO-PPALMA at sa Simuay Substation ng MAGELCO.

Samantala, inaasahan naman ang pagkawala ng kuryente sa buong coverage area ng Cotabato Light and Power Company (CLPC) at sa Capiton Substation ng MAGELCO mula alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng umaga at muling mula alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng gabi.

Ayon sa NGCP, isasagawa ang energization activities ng Kibawe-Kabacan at Kabacan-Sultan Kudarat 138-kilovolt transmission lines, kasabay ng preventive maintenance sa mga high-voltage equipment sa NGCP Sultan Kudarat Substation.

Posible rin ang panandaliang pagkawala ng kuryente bago at pagkatapos ng mga aktibidad dahil sa paglilipat ng suplay ng kuryente o load transfer.

Magpapatupad din ng voluntary load curtailment upang maiwasan ang overloading ng Tacurong-Datu Saudi Ampatuan 69-kilovolt line habang pansamantalang dito kukuha