Nanawagan ang Cotabato City Police Office o CCPO sa publiko na manatiling kalmado at mapanuri kasunod ng pagkalat ng mga larawan at video sa social media na maaaring magdulot ng pangamba at kalituhan.
Ayon kay Cotabato City Police Office City Director PCOL Jibin M. Bongcayao, dapat munang tiyakin ang katotohanan ng anumang impormasyon bago ito ibahagi o i-repost.
Hinimok din nito ang publiko na umasa sa mga opisyal na source para sa beripikasyon ng mga larawan, video at iba pang impormasyon.
Samantala, patuloy umanong mino-monitor ng CCPO, katuwang ang Armed Forces of the Philippines at iba pang security partners, ang sitwasyon at nagpapatupad ng naaangkop na security measures para sa kaligtasan ng komunidad.
Paalala ng CCPO, manatiling kalmado, mapagmatyag at mag-verify muna bago mag-share.









