Nagsagawa ng 3rd Quarter Meeting para sa taong 2026 ang City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ng Cotabato City noong Setyembre 24 sa Cotabato City.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga update sa pagpapatupad ng mga programa at aktibidad sa disaster risk reduction and management o DRRM sa lungsod.
Inilahad din ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang kanilang 2nd Quarter Accomplishment Report, habang iniulat naman ng anim na pangunahing tanggapan ng lungsod ang paggamit ng pondo para sa DRRM programs.
Tinalakay rin ang Letter of Intent ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na sumali sa CDRRMC.
Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang local offices, line agencies at partner organizations, kabilang ang PNP, BFP, Philippine Coast Guard, AFP, Philippine Red Cross at ilang non-government organizations.

















