Dalawang bahay ang nasunog habang isa rito ang totally damaged sa naganap na sunog bandang alas-2 ng hapon, kahapon Sept 30, 2026 sa bahagi ng Pascual Road Rosary Heights Mother Barangay, Cotabato City.
Sa panayam ng Star FM Cotabato kay SFO1 Rolly Sulaiman ang tagapagsalita ng Cotabato City Fire Station, agad na rumesponde ang Cotabato City Fire Station matapos makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen.
Nasa advanced stage na ang apoy nang dumating ang mga bombero, ngunit agad itong naapula sa tulong ng mga residente.
Tinatayang nasa P250,000 ang halaga ng pinsala, habang apat na indibidwal ang nagtamo ng bahagyang physical injuries tatlong sibilyan at isang personnel ng Bureau of Fire Protection.
Samantala, electrical-related ang isa sa mga tinitingnang anggulo sa pinagmulan ng sunog, ngunit kailangan pa itong kumpirmahin sa isasagawang scene examination at laboratory analysis.
Samantala, hinikayat ng Cotabato City Fire Station ang publiko na agad iulat ang anumang insidente ng sunog upang mapabilis ang pagtugon ng mga bombero.

















