Ayon sa weather bureau, patuloy na nakaapekto ang Easterlies sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao na magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Nagpaalala ang mga awtoridad na posibleng makaranas ng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga lugar na makararanas ng malalakas na pag-ulan.
Samantala, sa nalalabing bahagi ng Luzon, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan at thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.
Patuloy ang paalala sa publiko na mag-ingat at maging alerto sa posibleng epekto ng masamang panahon.

















