Naging mabigat ang huling pamamaalam kay Divine Adili sa Nigeria, kung saan sa unang pagkakataon ay nasilayan ng kanyang mga magulang at mga kapatid ang kanyang mga labi matapos ang trahedyang naganap.
Ibinahagi ng mga kaanak ni Divine sa Nigeria ang ilang sandali mula sa kanyang libing habang siya ay inihahatid sa kanyang huling hantungan.
Si Divine ay nasawi sa edad na 21 sa insidenteng iniugnay sa isang programa ng Ateneo de Manila University na kinasasangkutan din umano ng iba pang mga indibidwal.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na nananawagan ang pamilya ni Divine ng hustisya at masusing imbestigasyon upang mapanagot ang mga may pananagutan sa kanyang maagang pagpanaw.

















