Hindi dapat maging hadlang ang pagiging hindi marunong bumasa at sumulat o pagkakaroon ng kapansanan para makapagparehistro bilang botante sa Bangsamoro.
Ayon sa impormasyong inilabas ng Ministry of Public Order and Safety o MPOS sa ilalim ng kampanyang “Bangsamoro Handa sa Halalan” para sa First Bangsamoro Parliamentary Election 2026, pinapayagan ng Bangsamoro Electoral Code ang mga aplikanteng hindi marunong bumasa at sumulat o may pisikal na kapansanan na makatanggap ng kinakailangang tulong sa paghahanda ng kanilang voter registration application.
Nakasaad sa Bangsamoro Autonomy Act No. 35 o Bangsamoro Electoral Code of 2023, Article VI, Section 6, ang probisyon para sa mga illiterate at Persons With Disabilities o PWD applicants.
Layunin nito na matiyak ang pantay na access sa voter registration habang pinoprotektahan ang integridad ng proseso sa pamamagitan ng awtorisadong tulong para sa mga kwalipikadong aplikante.
Binigyang-diin din sa campaign material ang kahalagahan ng access sa voter registration, suporta sa inclusivity, at paggamit ng karapatang bumoto.

















