Nilinaw ng pamunuan ng Isulan National High School na walang naganap na shooting o hostage-taking incident sa paaralan ngayong araw Sept. 30, 2026.

Ayon kay School Principal Lorely Anne F. Valencia, kumalat ang ilang misinformation na nagdulot ng pangamba sa mga estudyante at personnel.

Agad namang rumesponde ang Philippine National Police at na-contain ang sitwasyon, habang sinabi ng punong-guro na under control na ang lahat at ligtas ang buong school community.

Wala ring naiulat na casualty at ligtas na nakauwi ang mga estudyante.

Samantala, sinabi ni Valencia na nakatulong ang isinagawang lockdown drill noong Setyembre 18, kung saan naging alerto ang mga estudyante at nasunod ang lockdown protocols nang hindi nagpapanic.